Stephen King

Si Stephen Edwin King (ipinanganak noong Setyembre 21, 1947) ay isang Amerikanong may-akda. Tinaguriang "Hari ng Horror", sumulat siya ng mga akdang pumapasok sa iba't ibang genre tulad ng suspense, krimen, science-fiction, fantasy, at misteryo. Nakapagsulat din siya ng mahigit-kumulang 200 maikling kwento, karamihan sa mga ito ay nai-publish sa mga koleksyon. Ang kanyang debut na Carrie (1974) ang nagpasikat sa kanya sa genre ng horror. Ang Different Seasons (1982), isang koleksyon ng apat na nobela, ang unang malaking pag-alis niya mula sa genre na iyon. Ilan sa mga pelikulang salin sa kanyang fiction ay ang Carrie, Christine, The Shining, The Dead Zone, Stand by Me, Misery, Dolores Claiborne, The Shawshank Redemption, The Green Mile, at It. Gumamit siya ng pseudonym na Richard Bachman at nagsulat ng mga akda kasama ang iba pang mga may-akda, lalo na ang kanyang kaibigan na si Peter Straub, at ang kanyang mga anak na sina Joe Hill at Owen King. Sumulat din siya ng nonfiction, partikular ang On Writing: A Memoir of the Craft. Ilang mga akda ni King ang nanalo ng Bram Stoker at August Derleth Awards. Kinilala rin siya sa kanyang malawak na kontribusyon sa panitikan, kabilang ang 2003 Medal for Distinguished Contribution to American Letters, ang 2007 Grand Master Award mula sa Mystery Writers of America, at ang 2014 National Medal of Arts. Tinawag ni Joyce Carol Oates si King na "isang brilliantly rooted, psychologically 'realistic' na manunulat".


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search